Inatasan ng Department of Justice (DOJ) ang anak ng negosyanteng si Julian Ongpin na dumalo sa imbestigasyon na gagawin ng National Bureau of Investigation (NBI) na may kaugnayan sa pagkamatay ng artist na si Bree Jonson.
Sinabi ni DOJ Secretary Menardo Guevarra na naibigay na ang subpoena ni Ongpin at inaasahan na ito ay makakadalo sa imbestigasyon ng NBI sa Oktubre 6.
Sa ganitong paraan aniya ay maibibigay ni Ongpin ang kaniyang panig sa insidente.
Nauna nang inatasan ng kalihim ang NBI na tulungan ang PNP para magsagawa ng parallel investigation sa pagkasawi ni Jonson na natagpuan sa isang kuwarto ng hotel sa La Union noong Setyembre 18.
Nagsagawa na rin ang NBI ng otopsiya sa bangkay ng biktima at kanila na ring nakausap ang ilang mga tao na huling nakasama ng dalawa.