Tiniyak ng Justice Department na buo ang kanilang suporta sa mga opisina ng gobyerno sa pangangalap ng mga ebidensya hinggil sa isyu ng cyanide fishing sa WPS.
Ayon kay Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, layon nitong makabuo ng matibay na kaso laban sa mga natukoy na mapanirang paraan ng pangingisda na kinasasangkutan ng mga Chinese fishermen sa nasabing pinag-aagawang karagatan.
Ayon sa ahensya, hindi nila kukunsintihin ang ganitong uri ng ilegal na aktibidad.
Ginawa ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla ang pahayag, bilang pagsunod at suporta sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sinabi ng kalihim, ang kanilang tanggapan ay nananatiling determinado na mabigyan ng solusyon ang cyanide fishing ng mga Chinese at Vietnamese fishermen sa may bahagi ng Bajo de Masinloc sa Scarborough Shoal.