-- Advertisements --
IMAGE © Malacanang | President Rodrigo Duterte with some martial law veterans

Tikom ang Department of Justice (DOJ) sa hakbang ng Office of the Solicitor General (OSG) na pagharang sa release ng bayad danyos ng martial law victims mula sa Estados Unidos.

Sa isang panayam sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra na mas makabubuti kung mismong si Solicitor General Jose Calida ang tanungin dahil tanggapan nito ang naglabas ng naturang desisyon.

Nauna ng sinabi ni Sen. Koko Pimentel na handa siyang maghain ng panukalang batas na magsusulong sa distribusyon ng martial law claims na galing sa benta ng umano’y ill-gotten paintings ni dating First Lady Imelda Marcos sa Amerika.

Pero sa kabila nito, aminado ang senador na posibleng may dahilan ang OSG sa naging desisyon nito.

“The three agencies (DOJ, PCGG, OSG) unanimously agreed that, in the best interest of the Republic, it will no longer enter into the settlement agreement,” ayon sa nilabas na pahayag kamakailan ng OSG.

“Unfortunately, the terms were found to be grossly disadvantageous to the government and not in accord with existing Philippine laws and jurisprudence. Pursuant to its mandate to protect the interest of the Republic of the Philippines, the OSG issued its disapproval in a letter dated January 23, 2019. Meanwhile, the OSG awaited the position of the DOJ concerning the matter,” dagdag din nito.

Sa isang memorandum na inilabas ng Office of the Executive Secretary noong Enero, pinayagan nito ang Presidential Commission on Good Governance (PCGG) na ituloy ang paghawak sa settlement agreement.

Pero sa kabila nito, nakasaad din sa dokumento na kailangan pa rin ng PCGG ng approval mula sa DOJ at OSG.

“However, the said Memorandum required that before the PCGG can enter into the settlement agreement, both the OSG and DOJ shall approve its terms,” dagdag ng Solicitor General statement.

Sa ilalim ng settlement agreement na inaprubahan ni Hawaii District Court Judge Manuel Real makakatanggap sana ng $10-milyon ang 6,500 registered martial law victims sa class suit.