-- Advertisements --
BEN TULFO

Nakahanda raw ang Department of Justice (DoJ) na kumilos kaugnay sa direktiba ng Malacanang sa DoJ na magsagawa ng aksiyon matapos magmatigas si Ben Tulfo na ibalik ang P60 million ad placement na binayaran ng Department of Tourism (DOT).

Pero ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, ang Office of the Ombudsman ang may hurisdiksiyon sa umano’y katiwalian na kinasasangkutan ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan.

Kapag napatunayan namang may basehan ang isasampang graft cases at makarating ng Sandiganbayan ay bahagi na ito ng aksiyon para maibalik ang naturang halaga.

Maalalang ang naturang transaksiyon ay nangyari sa pagitan ng Bitag Media ni Tulfo at dating Tourism Sec. Wanda Teo.

Si Teo ay kapatid ni Tulfo.