-- Advertisements --

Tinitignan ngayon ng Department of Justice kung may kinalaman sa Philippine offshore gaming operator (POGO) ang pagdukot at pagpatay sa negosyanteng si Anson Que at driver nito.

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, na ito na rin ang tinitignang anggulo ngayon ng Philippine National Police ganun din ang National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon sa kalihim na may ilang impormasyon ito na nakuha na mayroong alegasyon na humihingi ng refund ang ilang mga POGO boss.

Magugunitang natagpuan ang bangkay ng negosyante ang driver nito na nakasilid sa isang bag sa kahabaan ng Rodriguez, Rizal.