Tinitingnan ng inter-agency committee at ng National Bureau of Investigation ang posibilidad na nagsabwatan ang ilang opisyal ng Philippine Coast Guard at Maritime Industry Authority para payagang maglayag ang MT Princess Empress sa kabila ng kawalan ng kinakailangang lisensya.
Sinabi ni Department of Justice spokesperson Mico Clavano na ang RDC Reield Marine Services ay nag-apply para sa pag-amyenda sa Certificate of Public Convenience (CPC) nito upang maisama sa mga maglalayag ang motor tanker noong Nobyembre 2022.
Gayunpaman, ang Certificate of Public Convenience o CPC ay hindi pa nailalabas dahil sa kakulangan ng mga dokumento.
Kasama sa imbestigasyon ang PCG at ang Maritime Industry Authority o MARINA dahil nakatanggap ng impormasyon ang DOJ na kahit kulang ang MT Princess Empress ng mga dokumento at requirements para payagan itong mag-operate.
Kaya naman aniya, tinitingnan ng departamento ang posibleng sabwatan sa pagitan ng ilang empleyado o opisyal ng Maritime Industry Authority at PCG.
Dagdag pa dito, sinisikap na imbestigahan ng mga awtoridad at alamin kung bakit pinayagang maglayag ang MT Princess Empress gayong wala itong na-amyendahan na Certificate of Public Convenience at wala naturang permit.
Giit ni Calavano namay maliwanag na kapabayaan sa magkabilang panig ng mga nabanggit na ahensya.