Tiniyak ng Department of Justice na makakatanggap ng patas na pagtrato si Vice President Sara Duterte.
Kasunod ito sa hindi niya pagdalo sa ipinatawag na imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na may kinalaman sa kaniyang pagbabanta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Iginiit ng Bise Presidente na kaya ito hindi dumalo sa NBI ay dahil nakikita niyang wala itong patas na pagtrato na makukuha.
Sinabi naman ni DOJ Undersecretary Jesse Andres , na labis siyang nalungkot sa ginawa na ito ng bise presidente.
Marapat aniya na sumunod ang bise presidente sa due process.
Kahit na ang kaso ay inihain ng NBI sa DOJ at ang preliminary investigation ay itinawag ng prosecutors.
Ibinabala naman ni Andres na ang pagpapadala ng sulat gaya ng ginawa ni Duterte sa NBI ay hindi sapat dahil kailangan ng notarized affidavits para preliminary investigations.
Dagdag pa nito na kahit ano pa man ang magsagawa ng imbestigasyon NBI o DOJ man ay mamamayagpag pa rin ang rule of law.
Una ng itinanggi ni Duterte na binantaan niya ang pangulo at ang naging pahayag lamang niya ay hindi pagbabanta.