Kinikilala ng Department of Justice(DOJ) ang panawagang bumalik ang Pilipinas sa pagiging miyembro ng International Criminal Court.
Maliban dito, iginiit din ni Justice Assistant Secretary Mico Clavano na kinikilala ng ahensiya ang panawagan ng publiko na isumite sa ICC ang report ng Quad Committee ng Kamara de Representantes ukol sa madugong drug war ni dating PRRD.
Gayunpaman, iginiit ni Clavano na tanging si Pang. Ferdinand Marcos Jr. lamang ang makakapagbuo ng desisyon ukol dito, bilang chief architect ng foreign policy ng bansa.
Dahil dito titindig at susunod aniya ang DOJ, anuman ang desisyon ni PBBM.
Taong 2019 noong kumalas ang Pilipinas mula sa ICC sa ilalim ni dating Pang. Rodrigo Duterte.
Kabilang sa mga iniimbestigahan ng ICC ay ang mga war crimes, crime of aggression, genocide, at crimes against humanity.
Si Duterte ay isa sa mga subject ng crime against humanity investigation ng international body dahil sa madugong serye ng patayan noong sinimulan niya ang kampaniya laban sa iligal na droga.