-- Advertisements --
Inalmahan ng Department of Justice (DOJ) ang naging pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na tumaas umano ang krimen pagkatapos ng kaniyang termino.
Ayon sa DOJ na ang nasabing pahayag ng dating Pangulo ay taliwas sa mga komprohensibong datus mula sa Philippine National Police (PNP).
Kung maikukumpara aniya mula Hulyo 1, 2022 hanggang Enero 31,2024 ay mayroong 324,368 na kaso o mas mababa ng 10.66 percent na naitala mula Disyembre 1, 2020 hanggang Hunyo 30, 2022.
Ilan sa mga krimen na bumaba ay ang rape, physical injury, robbery, murder, carnapping at homicide.
Magugunitang inihayag ni Duterte noong ito ay inimbitahan sa senado na tumaas ang krimen pagkatapos ng kaniyang termino.