Wala pang impormasyon ang Department of Justice hinggil sa kinaroroonan ni KOJC Pastor Apollo Quiboloy.
Ito ang kinumpirma ni Justice Assistant Secretary at Spokesperson Atty. Mico Clavano sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo.
Ayon kay Clavano, patuloy pa rin ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation sa paghahanap sa pastor sa Davao City.
Sinabi pa nito na hindi kinikilala ng DOJ ang mga kondisyon ni Quiboloy bago ito sumuko sa mga otoridad.
Lahat aniya ng mga Pilipino ay pantay-pantay sa mata ng batas.
Hindi rin aniya angkop ang request na ito ng Pastor lalo na’t may mga kaso na itong nakabinbin sa korte.
Si Quiboloy ay nahaharap sa kaso ng Child and Sexual Abuse at qualified human trafficking.
Naglabas na rin ng Warrant of Arrest ang Davao RTC maging ang Pasig City RTC laban sa pastor.