-- Advertisements --

Wala pang napipiling papalit kay dating Bureau of Corrections chief Nicanor Faeldon matapos na sibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kontrobersiyang kinasangkutan nito sa pagpapalaya ng mga heinous crimes convicts.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra, na magtatalaga muna sila ng officer-in-charge hanggang makapagpili na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Handa naman ang kalihim na umupo pansamantala sa BuCor.

Ang BuCor kasi ay isang attached agency ng Department of Justice.