Hanggang sa ngayon ay wala pang natatanggap ang gobyerno ng Pilipinas na anumang extradition request para sa kay Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy mula sa Estados Unidos.
Ito ang nilinaw ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Si Quiboloy ay kabilang sa Most Wanted List ng Federal Bureau of Investigation dahil sa mga kinakaharap nitong patong-patong na kaso na may kinalaman sa sex at labor trafficking sa United States.
Iginiit ng kontrobersyal na pastor noong nakaraang linggo na mayroong sabwatan sa pagitan ng Palasyo at ng gobyerno ng US na kidnapin at patayin siya.
Sa kabila nito ay walang naman ipinakitang proweba si Quiboloy hinggil sa kanyang mga paratang.
Ayon kay Remulla, hinihintay pa rin ng kanilang tanggapin ang request na ito mula sa US.
Sinabi pa ni Remulla na mayroon ring dalawang kaso si Quiboloy na nakabinbin dito sa Pilipinas .
Kabilang na rito ang reklamong rape at cyber libel na patuloy na sinusuri ng DOJ.
Sinabi ni Remulla na ang pagresolba ng mga kasong ito ay kabilang sa kanyang pangunahing prayoridad.