-- Advertisements --
Umani ng magkakahalong reaksyon ang naging paliwanag ng American rapper na si Doja Cat sa paglabas nito ng bagong kanta niyang may titulong “Balut”.
Sa kaniyang social media ipinaliwanag nito ang ibig sabihin ng nasabing kanta.
Sinabi niya na tinutukoy niya ang isang ibon na kinakain ng buhay.
Maraming mga fans ang natuwa habang ang ilan ay kinontra ang pahayag ng singer at sinabing ang “Balut” ay isang na-steam na itlog at hindi buhay ang manok.
Ang nasabing bagong kanta ng singer ay bahagi ng kaniyang ilalabas na album na “Scarlet”.