-- Advertisements --

Kinumpirma ni Bacolod City Vice Mayor El Cid Familiaran na binawian na ng buhay si Patient number 3 ng lungsod ng Bacolod kaninang alas 5:00 ng umaga.

Ang 40-anyos na pasyente na tatlong beses ng nagnegatibo sa test ang binawian ng buhay sa isang ospital sa lungsod dahil sa kumplikasyon sanhi ng COVID-19.

Ayon kay Familiaran, nagnegatibo sa test ang nasabing pasyente ngunit in-admit pa rin sa ospital at in-incubate dahil sa komplikasyon.

Na-comatose ito ngunit nakarecover rin noong nakaraang linggo at kaya ng imulat ang kanyang mga mata.

Ngunit nitong Linggo ng umaga, kinumpirma ng kamag-anak nito na binawian na siya ng buhay.

Nabatid na nauna nang namayapa ang ina ng pasyente dahil rin sa coronavirus disease.