-- Advertisements --
Pumanaw na ang doctor na gumamot kay Russian opposition leader Alexey Navalny.
Kinumpirma ng Omsk emergency hospital ang pagpanaw ni Sergey Maximishin sa edad na 55.
Hindi naman binanggit ng pagamutan ang sanhi ng kamatayan ni Maximishin.
Magugunitang dinala sa Omsk hospital si Navalny matapos umano itong lasunin noong nakaraang taon habang nasa loob ng eroplano na patungo sa Siberia patungong Moscow.
Matapos na mabigyan ng paunang lunas si Navalny ay dinala ito sa Berlin hospital sa bansang Germany.