-- Advertisements --

KORONADAL CITY- Nakatakdang iturnover ng Bangsamoro Police ang isang Doktor sa Basilan PNP matapos itong maaresto ng mga otoridad sa bayan ng Parang, Maguindanao.

Sa impormasyong ipinaabot ng Parang Municipal Police Station naaresto si Dr. Chao-Tiao New Yumol na residente ng Lamitan City, Basilan dahil sa kasong 26 counts ng paglabag sa cybercrime law.

Ang kasong kinakaharap ng nasabing doktor ang paglabag sa Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 dahil sa pagmumura umano nito at pagpapakalat ng mga paninira sa social media.

Base sa monitoring ng militar at Bangsamoro police, dumating si Yumol sa Cotabato City araw ng lunes upang magtago sa Maguindanao ngunit agad namang naaresto.

Dagdag pa nito na kailangang makapaglagak ng P80,000 bawat warrant ang nasabing doktor o mahigit kumulang P2 million para sa kaniyang pansamantalang kalayaan.