-- Advertisements --

Nai-turnover na sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Custodial Facility sa Payatas mula sa Quezon City Centralized Custodial Facility si Chao Tiao Yumol, ang suspek sa pagpatay sa dating mayor ng Lamitan City, isang aide at isang guwardya sa Ateneo de Manila University noong Linggo.

Una rito ay dumaan muna si Yumol sa X-ray at physical examination.

Inihayag naman ng PNP, nakatakda na sa susunod na linggo ang arraignment ni Yumol para sa mga kasong 3 counts ng murder, frustrated murder, carnapping, at malicious mischief.

Samantala, inilibing na ang ama ni Dr Chao, ang 69 anyos na si Rolando Yumol, kahapon ng hapon matapos itong pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin.

Inihatid ng mga kaibigan at kakilala sa kanyang huling hantungan ang mga labi ni Rolando sa bakanteng lote na pag-aari rin ng pamilya sa Lamitan City.

Walang kaanak ang nakapunta dahil na rin umano sa takot sa nangyaring pagpatay.