Kinumpirma ng doktor ni US President Joe Biden ang matagumpay na pagkakatanggal nito sa isang cancerous na sugat mula sa dibdib ng pangulo noong nakaraang buwan.
Ayon kay White House physician Kevin O’Connor, ang ganitong uri ng sugat sa balat ay isang karaniwang anyo ng skin cancer kaya’t kaagad nila itong inalis.
Matapos aniya ang physical routine ng pangulo noong February 16 , lahat ng cancerous tissue ay tuluyan nang tinanggal bagama’t ito ay hindi naman kaagad-agad kumakalat.
Sinabi ng doktor na ang parte kung saan inalis ang naturang sugat ay mabilis naman na gumaling.
Dagdag pa nito na wala na umanong karagdagang treatment na kinakailangan ang pangulo.
Kung maaalala, bago pa man naging pangulo si Biden ay sumailalim na ito sa isang treatment na kung saan tinanggal sa kanyang katawan ang ilang localized non-melanoma skin cancers.
Sa kabila naman ng katandaan nito ay nanatili pa rin itong healthy and fit ayon sa kanyang doktor.