-- Advertisements --

ILOILO CITY – Lumubo na sa 15 ang mga health personnel sa Iloilo Provincial Hospital sa Pototan, Iloilo na nagpositibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo Provincial Administrator Atty. Suzette Mamon, sinabi nito na sa 15 mga health personnel, isa ang medical doctor, siyam ang nurses at lima ang nursing attendants.

Ayon kay Mamon, nakalockdown ang ilang bahagi ng ospital kung saan naitala ang mga infected na personnel.

Kaagad namang isinagawa ang disinfection sa nasabing ospital.