-- Advertisements --

Nagsampa ng kaso laban sa kaniyang mga pasyente ang isang COVID-19 doctor sa India.

Ito’y matapos brutal na inatake ng kaniyang mga pasyente si Dr Seuj Kumar Senapati hanggang sa mawalan ito ng malay.

Inakala ng doktor na mamamatay siya sa ginawang pag-atake sa kaniya ng mga pasyente habang sinusuri ang kalagayan ng mga ito.

Napag-alaman na hindi ito ang pinakaunang pagkakataon na inatake ng mga pasyente ang doktor dahil sa sobrang dami ng bilang ng COVID cases sa nasabing bansa.

Nasa pangalawang araw pa lamang na nagtatrabaho sa Hojai district sa India’s north-eastern State ng Assam si Dr Senapati.