-- Advertisements --

Emosyunal na umapela ang isang doktor sa India na tulungan ang kanilang bansa dahil hindi na nila kinakaya ang pagharap sa krisis laban sa COVID-19.

India doc singh
Dr Gautam Singh

Todo pakiusap si Dr Gautam Singh, isang cardiologist, pinuno ng Shri Ram Singh Hospital & Heart Institute, East Delhi, na bigyan sila ng oxygen supply dahil nagkakaubusan na.

Maging ang mga menor de edad umano ay namamatay na lamang sa pag-aantay sa oxygen.

Kung maalala nitong nakalipas na linggo ilang mga residente ang ni-ransack na ang ilang warehouse ng oxygen sa India at tinangay ang mga ito.