Pinag-aaralan na umano ng mga otoridad sa Mexico ang kaso ng isang 32-anyos na baabeng doktor na naospital matapos maturukan ng COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer-BioNTech.
Una rito, dinala sa intensive care unit ng isang pampublikong ospital sa estado ng Nuevo Leon ang hindi pinangalanang doktor matapos itong makaranas ng seizure, hirap sa paghinga, at skin rash.
“The initial diagnosis is encephalomyelitis,” saad ng Health Ministry sa isang pahayag.
Ang encephalomyelitis ay inflammation o pamamaga ng utak at ng spinal cord.
Dagdag ng ahensya, may history umano ng allergic reactions ang naturang doktor.
Wala rin aniyang patunay na nagkaroon ng inflammation sa utak ang mga sumali sa isinagawang clinical trial matapos silang makabunahan.
Sa ngayon, wala pang tugon ang Pfizer at BioNTech tungkol sa isyu. (Reuters)