Naibigay na ng House Quad Comm ngayong umaga ang mga dokumento sa pangunguna ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa office of the Solicitor General.
Ayon kay Barbers ang nasabing mga dokumento ay mga kasong kinasangkutan ng mga Chinese nationals na posibleng mag resulta ng mga legal na aksiyon o pagbawi ng gobyerno sa mga nasabing lupain.
Inihayag ng Kongresista na labag sa batas na ang isang dayuhan ay mag-mamay- ari ng 100% na lupain.
Ang mga nasabing dokumento ay resulta sa patuloy na pagdinig ng Quad Comm kaugnay sa pag aqquire ng mga Chinese nationals na nagpanggap na mga Filipino ay naka bili ng mga libu libong ektarya ng lupa sa Pampanga.
Sinabi ni Barbers, layon ng kanilang hakbang ay para hindi mauwi sa wala ang nasabing usapin lalo at posibleng maibenta ang mga nasabing lupain.
Nabatid na malaking lupa ang nabili ng mga Chinese at natukoy na 100% ang kanilang ownership.
Nilinaw naman ni Barbers na sa pagdinig ng Quad Comm ay walang halong pulitika at trabaho lamang ang kanilang ginagawa.
Tinukoy ang ilang mga Chinese nationals na may ari ng lupa na sina Eddie tayang, Tony Yang at Willy Ong.
Ang mga ito ay nag mamay ari ng mga malalaking korporasyon.
Sa panig naman ng SolGen, kanilang siniguro na bubusisiin at kanilang aaralin ng mabuti ang mga dokumento na ibinigay ng House Quad Comm ng sa gayon masampahan ng kaso ang mga sangkot.