-- Advertisements --
Nakahanda si Senate President Tito Sotto na ilahad ang lahat ng dokumentong nagpapatunay ng mga dating modus operandi ng grupong nasa likod ni Peter Advincula alyas Bikoy.
Ayon kay Sotto, mabuti at naitago nila ang mahigit 50 pahina ng dokumento na ginamit noon ni Advincula para idiin sina dating Pangulong Noynoy Aquino, Sen. Leila de Lima at iba pang dating opisyal.
Kaya naman, hindi umano sila papayag na magamit ang Senado para sa propaganda ng anumang grupo.
Ngayong araw ay iniatras na ang mga scheduled hearings para sa Bikoy issues.