CENTRAL MINDANAO – Namahagi ng nasa higit P460,000 na halaga ng livelihood starter kits sa piling benepisyaryo mula sa dalawang barangay ng Pigcawayan, Cotabato ang Department of Labor and Employment (DOLE XII).
Ito ay bahagi ng DOLE Integrated Livelihood Project (DILP) na naglalayong matulungan ang mga mamamayan na labis na naapektuhan ng pandemiya dulot ng COVID-19.
Nasa 11 benepisyaryo mula sa Brgy. Banucagon ang nakatanggap ng P189,606 na halaga ng Kabuhayan Starter Kits at 15 benepisaryo naman mula sa Brgy. New Panay na nagkakahalaga ng P270,731.
Samantala, nangako naman ang DOLE XII na magbibigay ng P500,000 ng mga materyales bilang suporta sa pangkabuhayan ng mga loom weavers sa bayan.
Labis naman ang pasasalamat ni Mayor Jean Dino Roquero sa tulong at suportang ibinigay ng ahensiya lalo pa at isa ang Loom Weaving sa binubuhay na kultura at pangkabuhayan ng nakararaming Pigcawayanons.