CEBU CITY- Nanawagan si Cebu 6th District Board Member Glen Anthony Soco sa Department of Labor and Employment (DOLE-7) na gawing maayos ang kanilang trabaho.
Ito’y matapos nakatanggap ng reklamo ang board member galing Mandaue City Chamber of Commerce and Industry (MCCI) na di umano maraming mga employers ang hindi na naka-avail sa sa COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) dahil nagsara umano ang nasabing tanggapan.
Ayon kay Soco nga wala umanong abiso ang DOLE tungkol dito at marami ng mga apektadong trabahante.
Mungkahi pa nito na kailangang baguhin ana kanilang estratehiya lalo
Paliwanang naman ng regional director ng Department of Labor and Employment (DOLE-7) na si Salome Siation na miscommunication lang ang nangyari at hindi naman totoo na totally closed ang kanilang tanggapan.
Nagkataon lang umano na maraming mga employers ang hindi nakapasok sa kanilang opisina dahil nagdisinfect sila sa area dahil may empleyado silang nagpositibo sa Covid-19. Nabatid na 3 araw na nagsara ang tanggapan ng DOLE-7 dahil doon.
Humingi naman ng dispensa ang directors sa kanilang mga partners at nangakong aayusin nila ito.
Dagdag pa ng director na sa ngayon wala pang funding ang DOLE-7 para sa naapektohan na naman ng ECQ at hindi na rin makapag-apply pa ng CAMP dahil wala ng funding para dito.
Sa kabilang dako umabot na sa 4,015 ang total confirmed cases ng Covid-19 sa Cebu City dahil sa bagong 201 cases na nadagdag.
Umabot naman sa 1,980 ang active cases, 1,988 naman ang mga nakarecover habang 48 na ang namatay.