-- Advertisements --
Agad na kikilos ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa naging kautusan ng Pangulong Ferdinand Marcos na gumawa ng programa para sa ilang libong Pilipino na mawawalan ng trabaho kapag tuluyan ng ipasara ang Philippine offshore gaming operators (POGO).
Sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma, na dahil yan ang direktiba ng pangulo ay hindi na sila magpapatumpik-tumpik na gumawa ng hakbang.
Makikipag-ugnayan sila sa iba’t-ibang ahensiya na may kinalaman sa nasabing pagsasara ng POGO sa bansa .
Magugunitang ikinatuwa ng maraming mambabatas ang naging pahayag ng Pangulo sa tuluyang pagpapasara ng POGO sa bansa dahil sa mga kinasasangkutang krimen ng mga ito.