-- Advertisements --
Inamin ng Department of Labor and Employment (DOLE) na wala silang kontrol sa mga negosyong itinatayo sa isla ng Boracay.
Pero ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, kanilang mino-monitor kung ang mga negosyong ito ay kumukuha ng mga foreign workers kahit pa kaya naman ng mga Pilipino ang uri ng trabaho na kailangan nito.
Sinabi ni Bello na kasalukuyang naka-red alert ang kanilang labor law compliance officer para magsagawa ng inspeksyon sa mga establisiyimento sa Boracay, maging sa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Nauna nang ipinag-utos ng DOF ang consolidation ng lahat ng foreign nationals na nagtatrabaho sa mga POGOs para matiyak na nagbabayad ang mga ito ng wastong buwis.