-- Advertisements --

Kasabay ng pagdiriwang ng Labor Day sa May 1, maghahandog ang Department of Labor and Employment katuwang ang Department of Transportation ng libreng sakay sa LRT 2 at MRT 3 para sa mga manggagawa. 

Kailangan lamang ipakita ng mga empleyado ang kanilang company ID. Kung wala naman ay maaaring i-presenta ang anumang government-issued ID. 

Epektibo ang libreng sakay sa limitadong oras lamang – 7:00 a.m. hanggang 9:00 a.m. at 5:00 p.m. hanggang 7:00 p.m. 

Ang LRT 2 ay biyaheng Antipolo to Recto stations at vice versa. Sakop din nito ang mga istasyon ng Legarda, Cubao, Katipunan, V. Mapa, at iba pa. 

Habang ang MRT 3 naman ay ang biyaheng North Avenue to Taft Avenue stations at vice versa. Sakop nito ang mga istasyon ng Cubao, Ortigas, Shaw Boulevard, Ayala, at iba pa.