-- Advertisements --
Mahigpit na binalaan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang publiko laban sa mga hindi otorisadong mga bakanteng trabaho para sa kanilang emergency employment program.
Nakarating sa tanggapan ng DOLE-National Capital Region (NCR) ang kumakalat online na binuksan nila ang pagkuha ng mga trabahador para sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced and Disadvantaged Workers (TUPAD).
Nakasaad pa sa nasabing mga iligal na online posting na inaalok nila ang mga interesado ng P800 kada araw na sahod.
Dahil dito ay pinayuhan nila ang publiko na agad na ireport sa kanilang opisina ang nasabing iligal na aktibidad.