-- Advertisements --
Ikinokonsidera ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagpapatupad ng temporary deployment ban sa Hong Kong.
Kasunod ito ng patuloy na kilos protestang nagaganap dahil sa kontrobersyal na extradition bill.
Sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III, na patuloy ang ginagawang konsultasyon sa mga iba’t-ibang organisasyon ng overseas Filipino workers.
Hinihintay din nila ang Department of Foreign Affairs (DFA) na siyang magpapasya kung kailangan na bang magpatupad ng deployment ban.
Pinayuhan din ng kalihim ang mga OFW sa Hong Kong na maging maingat at huwag makisali o iwasan ang mga lugar na isinasagawa ang kilos protesta.