-- Advertisements --
Hinikayat ni Senator Nancy Binay ang Department of Labor and Employment (DOLE) na tulungan ang mga nawalan ng trabaho matapos na ipatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng may 30,000 lotto stations at gaming outlet sa buong bansa.
Sinabi ng senador na dapat palawigin ng DOLE ang kanilang “Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disavadvataged/ Displaced Workers” program para makahanap ng trabaho ang may 120,000 na manggagawa na apektado ng pagsasara ng Lotto outlets sa bansa.
Mahalaga ang nasabing pagbibigay ng tulong ng PCSO dahil may mga pamilyang binubuhay ang karamihang manggagawa na nasakupan ng pagsasara ng mga outlets.
Magugunitang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatigil ng gambling operation ng PCSO.