-- Advertisements --

Pinag-aaralan na rin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagbuo ng resolusyon na maglilimita sa deplyment ng construction workers abroad dahil sa labis na demand umano nito ngayon dito sa Pilipinas.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, malaki ang pangangailangan ngayon ng construction industry sa skilled workers gaya ng karpintero at welders dahil na rin sa sunod-sunod na infrastructure projects ng parehong private at public sector.

Nauna na raw sabihan ng DOLE ang Philippine Overseas Employment Agency hinggil sa panukala.

Sa ngayon, target daw ni Bello na putulin muna ang 90-porsyento ng construction worker deployment sa ibang bansa para matugunan ang pangangailangan ng bansa, lalo na “Build, Build, Build” program ng administrasyon.