Binawi ng Department of Labor and Employment ang kanilang mga field officers sa Quezon City.
Ito ay para magbigay linaw sa alegasyon ng anomalya sa cash for work program sa mga displaced, underemployed at seasonal workers.
Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III na kaya pina-recall sa kanilang head office si Atty. Joel Petaca.
Sinabi pa ng kalihim na nais nitong malaman kung bakit hinayaan nito na mangyari ang insidente.
Magugunitang dinagsa ng reklamo ang implementasyon ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program sa ilang distrito ng Quezon dahil sa hindi pagbibigay ng tama ng kanilang sahod.
Base sa reklamo na nakatanggap lamang ng tig-P2,000 ang mga manggagawa na dapat ay P7,500 sa pagtatrabaho ng 14 na araw.
Ang P5,000 na sahod umano ay ibinigay sa mga maanomalyang coordiators.
Nagpatulong na rin ang DOLE sa NBI para sa nasabing imbestigasyon sa insidente.