-- Advertisements --

Tanging pagbabantay lamang mga dayuhang kinukuhang magtrabaho sa ipinapatayong negosyo sa isla ng Boracay.

Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, na hindi nila mapipigilan ang pagtayo ng dayuhan na magtayo ng negosyo sa bansa.

Umiiral aniya ang trade relations sa ibang bansa subalit ang hindi lamang tama ay kung ang lahat na kanilang kukuning empleyado ay dayuhan.

Tiniyak naman ng kalihim na kaniyang babantayang mabuti ang mga negosyanteng kumukuha ng mga dayuhang empleyado na ang trabaho ay kaya namang gawin ng mga Filipino.

Reaksyon ito ng kalihim sa napaulat na maraming mga dayuhan ang nagtayo ng negosyo sa Boracay.