Mayorya umano ng 1.4-milyong domestic workers sa bansa ang walang benepisyo ng Social Security System (SSS), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), at Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG).
Sa isang pahayag, sinabi ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ng DOLE na tinatayang nasa 83% ng mga domestic workers ang hindi sakop ng anumang any social welfare benefit.
Batay sa datos, 1.1-milyong domestic workers ang walang SSS benefits; 1.1-milyon din ang walang PhilHealth benefit; at nasa 1.2-milyon naman ang hindi sakop ng Pag-IBIG benefits.
Kasabay nito, nagpaalala si Bureau of Workers with Special Concerns (BWSC) Director Ma. Karina Perida-Trayvilla sa mga employer na ang mga kasambahay ay dapat nakarehistro sa SSS, Philhealth, at Pag-IBIG.