-- Advertisements --

Mas paiigtingin pa ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagpapatupad ng occupational safety and health standards.

Sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III, layon nito ay para hindi maulit pa ang nangyaring aksidente na kinasangkutan ni actor Eddie Garcia na sanhi ng kaniyang kamatayan.

Dagdag pa ng kalihim na may mga tauhan itong mag-iikot para matiyak na ito naipapatupad.

Ayon naman kay Philippine Occupational Safety and Health Center Executive Director Noel Binag na mahaharap sa mabigat na kaparusahan ang mga employers na mahuling lalabag.