-- Advertisements --
dole silvestre bello
DOLE SEC BELLO

CAUAYAN CITY – Hinihintay pa ng pamunuan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang magiging desisyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagdedeklara ng deployment ban sa Hongkong.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na maayos pa ang sitwasyon sa Hongkong.

Aniya ipapatupad lamang ang ban kung ipag-uutos ito ng DFA at kung itinaas sa alert level 4 ang sitwayon doon.

Patuloy aniya ang kanilang pakikipag-ugnayan sa labor attache’ sa Hongkong para makakuha pa ng impormasyon kung ano na ang sitwasyon doon lalo na ng mga OFW.

Sa kasalukuyan, maayos pa rin ang kalagayan ng mga OFW sa Hongkong.

Sinabi pa ni kalihim Bello na mahigpit na pinapayuhan ang mga OFW doon na iwasan ang mga lugar na pinagdarausan ng mga protesta at demonstrasyon doon at iwasang magsuot ng kulay itim at puting T-shirt.