-- Advertisements --
Hindi sinang-ayunan ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, ang panukalang gawing dalawang taon ang probationary period imbes na sa dating anim na buwan sa mga bagong empleyado.
Ayon sa kalihim, na ang nasabing panukala ay sumasalungat sa kagustuhan ng gobyerno tungkol sa security of tenure.
Pinangangambahan nito na maaaring magresulta lamang ito sa iligal contractual arrangement.
Reaksyon ito sa panukalang batas na isinusulong ni Probinsiyano Ako party-list Rep. Jose Singson Jr, na nagpapalawig sa 24 buwan na probationary period ang mga bagong empleyado.