-- Advertisements --
Hiniling ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa gobyerno na kung maari unahin ang mga minimum wage earners at mga Filipino migrant workers na mabigyan ng COVID-19 vaccine.
Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, mahalaga ang mabigyan ng bakuna ang minimum wage earners at mga OFW dahil sila ang nagpapalago ng ekonomiya ng bansa.
Sumulat na rin aniya siya sa gobyerno ukol sa nasabing usapin.
Nauna ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na prayoridad na mabigyan ng gobyerno ang mga frontline health workers, senior citizens, mga kapulisan at kasundaluhan ng bansa.