-- Advertisements --
Hiniling ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa National Bureau of Investigation na magsagawa ng autopsy sa bangkay ng overseas Filipino worker Constancia Dayag na natagpuang patay sa Kuwait noong Mayo 14.
Sinabi ni DOLE acting Labor Secretary Renato Ebarle, na ang nasabing otopsiya ay magbibigay ng linaw sa tunay na naging sanhi ng kamatayan ni Dayag.
Sinasabing nakitaan ng mga pasa kaniyang katawan ang 47-anyos na si Dayag.
Dumating na sa bansa kahapon ang bangkay ni Dayag kung saan nagbigay na rin ng financial assistance ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa anak ni Dayag na si Lovely Jane.