Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa reklamo ng nasa 240 na construction workers na ini-lockdown ng kanilang amo matapos na magpositibo sa COVID-19 ang isa nilang kasamahan sa Quezon City.
Sa isinagawang pag-swab test ng kasapi ng Quezon City epidemiology and surveillance unit na nagpositibo sa virus ang 30 iba pa.
Reklamo pa ng mga ito na ikinulong sila doon sa lugar at hindi pa pinasahod ng kanilang amo mula sa Millennium Erectors Corporations.
Sinabi namang n abagado ng isang labor group na si Atty. Aaron Pedrosa na hindi na nasusunod ang protocols sa nasabing ginagawa ng employers.
Nagmatigas pa ang employers na wala pang memo na ang mga na-lockdown na empleyado dahil sa pandemic ay babayaran ay hindi sila maaaring magbigay ng sahod ng mga ito.
Iginiit naman ng DOLE na ang sinumang manggagawa na maipit sa lockdown ay dapat sahuran din ang mga ito.