-- Advertisements --

Pansamantalang itinigil ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program nila sa Quezon City dahil sa reklamo.

Sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III, nakipag-ugnayan na sa kaniyang opisina si Quezon City Mayor Joy Belmonte tungkol sa nasabing usapin.

Agad aniya na magsasagawa ng imbestigasyon ang DOLE sa nasabing reklamo.

Nauna rito inireklamo ng ilang mga benipesaryo ng cash for work program na hindi naibibigay ng buo ang kanilang sahod at inakusahan ang ilang opisyal ng lungsod na hinahati o kinukuha ang nasabing pera na para sana sa mga pasahod ng mga benipesaryo.