-- Advertisements --

Ikinatuwa ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagtaas ng bilang ng mga nagkakaroon ng trabaho.

Sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na nagpapatunay lamang na nagiging epektibo ang mga ginagawang pagbibigay trabaho ng gobyerno.

Tiniyak din ng kalihim na sila ay nakikipag-ugnayan sa mga iba’t-ibang kumpanya para mas dumami pa ang bilang ng mga nagkakaroon ng trabaho.

Reaksyon ito ng DOLE ukol sa naging ulat ng Philippine Statistics Authority na nitong buwan ng Agosto ay mayroong 96 percent ang naitalang employment rate na mas mataas sa mga nagdaang buwan.

@@@