-- Advertisements --
Humigit kumulang 30,000 manggagawa sa iba’t ibang kompanya na ang na-regularized mula Enero ng taong kasalukuyan.
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, target ng kagawaran na makabuo ng isa pang Memorandum of Agreement (MOA) para maging voluntary na ang pag-regularize ng mga kompanya sa kanilang mga empleyado.
Tinukoy ni Bello na malaking bahagi ng mga na-regular na manggagawa mula Enero ay pawang mga empleyado ng SM Supermalls.
Dahil sa development na ito, umaasa ang kalihim na aabot sa 300,000 hanggang 500,000 ang bilang ng mga mare-regular empleyado sa katapusan ng taon, alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.