Isinasapinal na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Omnibus Guidelines para sa implementasyon ng P13-billion government aid sa mga manggagawang apektado ng COVID-19 na napapaloob sa Republic Act 11494 o Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.
Sinabi ni DOLE Assistant secretary Dominique Tutay, na maaaring hanggang sa susunod na linggo ay maaprubahan na ng mga matataasn opisyal ng DOLE ang nasabing guidelines.
Kinabibilangan ito ng cash aid para sa mga local workers sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) at ang Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP) Program para sa mga overseas Filipino workers.
Magbibigay rin ng temporary emergency employment sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/ Displaced Worker (TUPAD).
Ipapaubaya naman nila sa mga regional offices ang validation para sa mga establihsimento at LGU para matiyak na ang mga mabibigayan ay yung mga hindi nabigyan noon Bayanihan 1.