-- Advertisements --
Inisa-isa na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga naging pagkukulang ng TV network kaugnay sa pagkaaskidente ni Eduardo “Eddie” Garcia noong Hunyo bago tuluyang binawian ng buhay.
Ayon sa DOLE, nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon at kabilang sa mga nilabag ng GMA-7 ay ang hindi pagsusumite ng report sa loob ng 24 hours nang mangyari ang taping accident, kakulangan ng safety officers at first-aiders on-site.
Una nang nakasaad sa findings ng Occupational Safety and Health Center na nanguna sa imbestigasyon, kung mayroon lang sanang kahit isang safety officer ay marahil mabubuhay pa si Manoy.
Si Garcia ay mahigit dalawang linggong nag-agaw buhay sa ospital kasunod ng aksidente noong June 8.