Itinanggi ng Department of Labor and Employment (DOLE) na mayroon silang ipinapatupad na deployment ban sa Hong Kong.
Sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III, na walang katotohanan na mga kumalat na balita lalo na sa social media na nagpatupad sila ng mandatory repatriation dahil sa patuloy na kaguluhan sa Hong Kong.
Paglilinaw nito na ang Department of Foreign Affairs (DFA) ang magpapatupad ng nasabing deployment ban.
Mahigpit anila ang kanilang pakikipag-ugnayan sa DFA at sa konsulada sa Hong Kong para sa kaligtasan ng mga OFW.
Nitong nakalipas na weekend ay muli na namang namayani ang malawakang kilos protesta kahit tinawag ng Hong Kong government na iligal ang rali.
Lalo na ang pagmartsa sa Tsim Sha Tsui district.
Gumamit ang mga raliyesta ng petrol bombs upang ihagis, na sinagot naman ng mga tear gas at water cannons mula sa mga anti-riot police.