-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Department of Labor and Employement (DOLE) na kaya nilang maabot ang 3- milyon na trabaho sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma, na ang nasabing bilang ay madaling makamit sa pamamagitan ng pinaigting na pagsasagawa ng mga job fairs.

Mayroon din silang ugnayan sa iba’t-ibang ahensiya para agad na magkaroon ng dagdag na trabaho ang mamamayan.

Una ng sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos na layon ng kaniyang administrasyon na mapababa ang bilang ng mga walang trabahong Pinoy sa pagtatapos ng kaniyang termino.