Nagpahayag kahapon ng kumpiyansa ang Department of Labor and Employment (DOLE) na makakapaglabas na ng bagong wage order ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa National Capital Region sa susunod na buwan.
Sa isang media forum, sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na nakatitiyak siyang maglalabas ng wage order ang NCR wage board sa oras ng anibersaryo ng huling wage order, na Hulyo 16.
Ayon kay Laguesma, posibleng umabot sa P610 ang magiging arawang sahod mula sa kasalukuyang P573.
Paliwanag pa nito na laging namang may pagtaas dahil walang awtoridad ang wage board na bawasan ang sahod.
Ilang grupo na rin ang nanawagan sa ahensya na itaas ang sahod hindi lang sa NCR maging sa buong bansa dahil hindi na akma ang mataas na presyo ng bilihin.